pagkakaibigan

Ang blog na ito ay tungkol sa pagkakaibigan. Binabahagi rito ang mga karansan ng mga taong may mga matalik at matapat na kaibigan. Sa blog, na ito ipinapaliwanag ang kabutihan at mga mapait na karanasan ng pagkakaroon ng isang matalik nA kaibigan. Sana po'y masiyahan kayo sa mga nakapaloob na mga pinapahayag ng damdamin ng mga artikulo dito. Maligayang pagbabasa.

Wednesday, September 14, 2005

Kaibigan,Kayamanan Ko!

Pera,yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kong wala kang kaibigan. Oo, mayaman ka nga sa materyal na bagay ngunit aanhin ba ito kong wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot? Kaya, mahalagang magkaroon ng isang kaibigan dahil mapupuno ka sa yaman ng pagmamahal.At sana kung dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila sa atin. Dapat din na magpasalamat tayo sa Diyos dahil pinagkalooban niya tayo ng mahalagang kayamanan ang KAIBIGAN na masasandalan natin.

Mary Son Ambuat
Blk.2B

2 Comments:

  • At Thursday, September 15, 2005, Blogger pagkakaibigan said…

    Sa mga isinulat dito sa blog mas nakaagaw pansin sa akin ang isinulat ni maryson na pinamagatang "Kaibigan, Kayamanan KO!" sa pamagat pa lamang ng kanyang isinulat ay 100% na akong sang-ayon sa kanya....bakit? dahil ang kaibigan ay isang kayamanan na hindi kayang bilhin ng pera, kahit ipunin pa ang lahat ng pera sa mundo ay hindi nito kayang tumbasan ang halaga ng isang kaibigan....aanhin mo nga naman ang iyong pera, kasikatan,at ia pang katangian kung wala ka rin namang kaibigan... ika nga sa kasabihan "No man is an island"...Sa bawat tagumpay at kalungkutang ating nararanasan sa ating buhay nangangailangan tayo ng taong karamay at mapagsasabihan natin sa mga bagay-bagay na tungkol sa atin..sila ang mga taong tinatawag nating "KAIBIGAN"....at syempre dahil silay itinuturing nating kayamanan dapat marunong tayong magpahalaga sa kanila...napakaganda ng isinulat ni maryson talagang nakakatawag pansin sa mga mambabasa... kunti lamang ang nakasulat pero andun naman lahat ang mga mahahalagang bagay na nais niyang iparating... magaling ang iyong ginawa maryson....

    Cathyrine B. Paz
    Block 2B

     
  • At Thursday, September 15, 2005, Blogger pagkakaibigan said…

    Sa mga isinulat dito sa blog mas nakaagaw pansin sa akin ang isinulat ni maryson na pinamagatang "Kaibigan, Kayamanan KO!" sa pamagat pa lamang ng kanyang isinulat ay 100% na akong sang-ayon sa kanya....bakit? dahil ang kaibigan ay isang kayamanan na hindi kayang bilhin ng pera, kahit ipunin pa ang lahat ng pera sa mundo ay hindi nito kayang tumbasan ang halaga ng isang kaibigan....aanhin mo nga naman ang iyong pera, kasikatan,at iba pang katangian kung wala ka rin namang kaibigan... ika nga sa kasabihan "No man is an island"...Sa bawat tagumpay at kalungkutang ating nararanasan sa ating buhay nangangailangan tayo ng taong karamay at mapagsasabihan natin sa mga bagay-bagay na tungkol sa atin..sila ang mga taong tinatawag nating "KAIBIGAN"....at syempre dahil silay itinuturing nating kayamanan dapat marunong tayong magpahalaga sa kanila...napakaganda ng isinulat ni maryson talagang nakakatawag pansin sa mga mambabasa... kunti lamang ang nakasulat pero andun naman lahat ang mga mahahalagang bagay na nais niyang iparating... magaling ang iyong ginawa maryson....

    Cathyrine B. Paz
    Block 2B

     

Post a Comment

<< Home