pagkakaibigan

Ang blog na ito ay tungkol sa pagkakaibigan. Binabahagi rito ang mga karansan ng mga taong may mga matalik at matapat na kaibigan. Sa blog, na ito ipinapaliwanag ang kabutihan at mga mapait na karanasan ng pagkakaroon ng isang matalik nA kaibigan. Sana po'y masiyahan kayo sa mga nakapaloob na mga pinapahayag ng damdamin ng mga artikulo dito. Maligayang pagbabasa.

Tuesday, August 16, 2005

ANG TUNAY NA KAIBIGAN

Sino ba? o ano ba ang isang tunay na kaibigan? siya ba 'yong kasama natin sa inoman kung tayo'y may problema. Siya ba ang taong madalas kasama sa iyong mga ginagawang biro at kalukuhan. Siya ba ang taong kasama mo sa tuwing ikaw tatakas sa bahay para lang makapaglakwatsa. O siya ba ang tumutlong sa iyo para gumawa ng dahilan para hindi ka mapagalitan ng iyong mga magulang. Syia ba ang isang tunay na kaibigan. Hindi di ba.
Ang isang kaibigan ay di papayag na ikaw ay malihis ng landas. Gagawin niya ang lahat para matuwid ang landas na iyong tinatahak. Hindi rin ito papayag na siya ang maging dahilan upang ikaw ay mapagalitan ng iyong magulang. Samakatuwin , ang isang tunay na kaibigan ay isang huwaran. ang isang bagay na pwedeng gawin na isang tunay na kaibigan para matawag na siya ay isang huwaran ay ang ipakikilala ka sa diyos.
Ikaw, natagpuan mo na ba ang isang tunay na kaibigan sa iyong buhay?
Dennis Fallete Pineda block 2B

0 Comments:

Post a Comment

<< Home