pagkakaibigan

Ang blog na ito ay tungkol sa pagkakaibigan. Binabahagi rito ang mga karansan ng mga taong may mga matalik at matapat na kaibigan. Sa blog, na ito ipinapaliwanag ang kabutihan at mga mapait na karanasan ng pagkakaroon ng isang matalik nA kaibigan. Sana po'y masiyahan kayo sa mga nakapaloob na mga pinapahayag ng damdamin ng mga artikulo dito. Maligayang pagbabasa.

Wednesday, July 13, 2005

TUNAY NA MAGKAIBIGAN

Kaibigan, bakit ka nag-iisa?
At sa iyong mata lungkot ay nakikita
Ano ba ang dahilan.
Ano ba ang iyong nararamdaman


Tandaan mo ako'y di mo lamangf kalaro
Kung hindi isang tapat na kaibigan mo
Tuwing kailangan mo'y maasahan mo
Nagmamahal sayo laging naririto

Di man sa lahat ng oras
Tayo'y magkasundo
Sa laro'y nagkakapikunan
Minsan ma'y nasasaktan
Ngunit tunay na magkaibigan
Kahit minsan may tampuhan
Kahit anong mangyari
Kaibigan, mahal kita

Kung sakaling bukas tayo'y magkalayo
Ang puso ko'y malulumbay kaibigan ko
Sinong kasama ko, at kalaru-laro
Kung iiwanan mo
Anong lungkot itong buhay ko?

gina_baby

1 Comments:

  • At Tuesday, July 26, 2005, Blogger pagkakaibigan said…

    Nasisiyahan ako sa kanyang post dahil sa kabila ng mga lungkot, awayan at mga pagsubok handa parin tumanggap ang isang kaibigan.sa tingin ko ang tibay ng pagkakaibigan ay nasusubok hindi sa saya kundi sa mga lungkot, away at mga problema sa buhay.


    Lloyd Mar Nazareno II-B

     

Post a Comment

<< Home