pagkakaibigan

Ang blog na ito ay tungkol sa pagkakaibigan. Binabahagi rito ang mga karansan ng mga taong may mga matalik at matapat na kaibigan. Sa blog, na ito ipinapaliwanag ang kabutihan at mga mapait na karanasan ng pagkakaroon ng isang matalik nA kaibigan. Sana po'y masiyahan kayo sa mga nakapaloob na mga pinapahayag ng damdamin ng mga artikulo dito. Maligayang pagbabasa.

Wednesday, July 13, 2005

Magkaibigan

Tayo'y magkaibigan ngayon at magpakailanman
Sapagkat mahal natin ang isa't isa maging sino man
At kahit anong problema magkasama tayong lampasan
Umulan man o Umaraw tayo'y magkaibigan

Walang sino man makapaghihiwalay sa ating pagkakaibigan
Maging ikaw at ako lamang hanggang kamatayan:
Kaya pagmamahal sayo"y walang makatutumbas
Sapagkat ikaw para sa akin ay walang katumbas

Sa piling mo kaibigan ako'y palaging ligtas,
Kaya naman ikaw lamang at wala ng iba pa;
Kahit sinong may gustong umagaw ay 'di uubra
Kaya maraming taong sa sekreto natin gustong tumuklas

Tayo'y magkaibigan ngayon at magkailanman
Samahang walang iwanan
Kahit kailan man,
Samahang walang iwanan magpakailaman

sweet_jeanna

3 Comments:

  • At Wednesday, July 20, 2005, Blogger pagkakaibigan said…

    sa gawa ni jeanna, naging mapanuri siya sa mga bagay na naibahagi. naging mailap siya sa paggawa ng tula. may mabuti itong pagkakalahad tungkol sa magkaibigan. magkatunog ang nasa huling pantig ng salita.ngunit a kabila nito, dapat maging mailap din siya sa paggamit ng mga kulay teksto na makakatawag-pansin sa mga mambabasa. pinupuri ko ang kanyang gawa.


    Maricel L. Tenebro Blk 2-B
    group 1
    july 20, 2005

     
  • At Wednesday, July 20, 2005, Blogger pagkakaibigan said…

    Ok naring ang gawa ni sweet_jeana. Medyo kailangan pa ng kunting lagay ng buhay tungkol sa topic about "Pagkakaibigan". Sa kuminto tungkol narin sa pagkakaibigan ay talagang ok dahil narin sa mga karanasan at ang pagsasamahan bilang pagkakaibigan, sa kapaligira, sa pagtagoyod ng problema at sa lahat ng mga kinakailangan

    Guydon C. Quita BSAE Blk 2-B

     
  • At Thursday, July 21, 2005, Blogger pagkakaibigan said…

    Maganda ang mensahe ng tulang iyong ginawa.Ngunit ang kulay na iyong napili sa teksto ay masakit sa mata at mahirap basahin.Ipagpatuloy ang magandang sinimulan.

    PULLY, BRENDALYN R.
    BLK II-B
    GROUP 1

     

Post a Comment

<< Home