pagkakaibigan

Ang blog na ito ay tungkol sa pagkakaibigan. Binabahagi rito ang mga karansan ng mga taong may mga matalik at matapat na kaibigan. Sa blog, na ito ipinapaliwanag ang kabutihan at mga mapait na karanasan ng pagkakaroon ng isang matalik nA kaibigan. Sana po'y masiyahan kayo sa mga nakapaloob na mga pinapahayag ng damdamin ng mga artikulo dito. Maligayang pagbabasa.

Tuesday, July 04, 2006

kaibigan

Ang kaibigan karamay sa lahat,kasama saan man magpunta,kasagga sa lahat ng pagsubok kaya napakahirap sirain ang samahang kay tagal.

Walang sino mang makasisisra sa samahan ng mga magkakaibigan kung itoy nagsasama ng buong galak nagmamahalan atnagkakaunawaan.
Ganyan ang magkakaibigan magkasamang humaharap sa pagsubok tiyag na higit na matatag ang samahan ng magkakaibigan.by Girlie cafe

kaibigan

Ang kaibigan karamay sa lahat,kasama saan man magpunta,kasagga sa lahat ng pagsubok kaya napakahirap sirain ang samahang kay tagal.

Walang sino mang makasisisra sa samahan ng mga magkakaibigan kung itoy nagsasama ng buong galak nagmamahalan atnagkakaunawaan.
Ganyan ang magkakaibigan magkasamang humaharap sa pagsubok tiyag na higit na matatag ang samahan ng magkakaibigan

Pagkakaibigan

Masususkat ang isang kaibigan sa oras ng kagipitan dahil ang tunay na kaibigan ay hindi ka iiwan sa oras ng kagipitan o sa kasiyahan.

ang pagkakaibigan ay parang hangin pweding maramdaman kahit na kailan.Parang ibon na mahirap pakawalan,at parang isang agos na kay hirap pigilan.by Sherwin Lauresta

Wednesday, November 09, 2005

Si hesus ang ating tunay na kaibigan

aking kaibigan,dinngin ang awit.
paalaala ang inihahatid,ang Diyos ay nsa 'yo tunay.
alalahanin mahal ka sa akin.
sa bawat araw laging dalangin,na pagpalain ka.
dahil sa mahal kita.

Kung ika'y di ko kapiling.
kasama ka naman sa aking dalangin.
kahit na ako'y di na maaalala pa,wag lang si kristo
ang limutin mo.aasahan ko 'yan kaibigan ko.


ROSALYN MARQUIZO
B-2B

Si hesus ang ating tunay na kaibigan

aking kaibigan,dinngin ang awit.
paalala ang inihahatid and Diyos ay nasa patnubay mong tunay.
alalahanin mahal ka sa akin,sa bawat araw laging dalangin na pagpalain ka,dahil sa mahal kita.

Kung ika'y di ko kapiling,kasama ka sa aking dalangin.
kahit na ako'y di na maaalala pa,wag lang si kristo ang limutin mo.aking kaibigan.

Wednesday, October 19, 2005



Ngumingiti ang mga bulaklak...simbolo ng ating pagkakaibigan. Posted by Picasa

Mula Sa Teacher-Blogger:


Akoy' lubos na nasisiyahan na kahit paano meron din kayong natutunan sa mga aralin natin sa weblogging. Sari-saring mga pananaw, opinyon at karanasan tungkol sa pagkakaibigan ay ibinahagi n'yo nang kusang-loob...hindi lang dahil meron kayong requirement na kailangang gagawin.
.
Nawa'y ipagpatuloy n'yo ang weblogging kahit tapos na ang klase natin.
.
Pagpalain kayong lahat ng Poong-Maykapal. Isang makabulohang semester ang natapos ko kasama kayo.
SMC

Saturday, September 24, 2005

PAGKAKAIBIGAN

Ang pagkakaigan ay isang samahan, na nagbibigay ng kakaibang kulay sa ating buhay.
Maraming pagkakaibigang nabubuo sa pagdaan ng panahon,mayroong panandalian at may pang habang-buhay. Ngunit kahit gaano man ito kadali o katagal, ang mga magagandang alala at mga masalimuot na pinagdaanan ng pagsasamahan ay mananatiling nakaukit sa ating puso't isipan.
Ang pagkakaibigan ay hindi lang nandayan, upang magbigay ng kaligayahan, ngunit nandyan din upang ikaw ay sabayan, sa pagharap sa mga hamon at pagsubok ng ating buhay.
Ang tao ay hindi nabubuhay ng nag-iisa, kaya dapat ang pagkakaibigan ay dapat pagkaingatan,na parang iasng mahalagang kayamanan.
Bangcas,Vanya Irish Marie C.
Blk II-B

kaibigan kita

Ang Kaibigan ay bahagi na ng buhay ng tao. Minsan ito ang tumutulong sa atin tuwing may problema at karamay tuwing nadadapa pero minsan ang kaibigan ay siyang dahilan tungo sa kapahamakan.

Anot-ano paman ang isang kaibigan ay mahalaga sa atin di bale kung ano siya mayaman, mahirap, pangit o maganda. Ang importante ay tanggap ka niya at tanggap mo siya dahil kaibibigan mo siya.

Nazareno, Lloyd Mar
Blk II-B

kaibigan kita

Kaibigan kita kaya handa kaya handa kitang ipaglaban sa lahat ng problema, sa lahat ng pagsuboh at kalungkutan hindi kita pababayaan.
Sana nandito ka rin sakin tuwing ako'y may mga problema at handang kumalinga tuwing ako ay nadadapa. Masaya ako kapag ikaw ay kasama nakakalimutan lahat ng problemaq kaya ayokong mawala ka dahil kulang ang buhay kapag ikaw ay hindi kasama pagkat kaibigan kita.

Nazareno Lloyd Mar
Blk II-B

Friday, September 23, 2005

ANG KAIBIGAN

Ang bawat isa sa atin ay may ibat-ibang kaibigan. Mula pa ng ating pagkabata ay may nasilayan na tayong kaibigan na lagi nating kalaro sa araw-araw sa bahay man o sa paaralan.
Ang kaibigan ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay. Sila ay nagbibigay sa atin ng mga magagandang alaala mula ng ating pagkabata hanggang sa paglaki. Sila rin ang tumutulong sa atin upang lalo pa nating mapaunlad at matutunan ang mga bagay-bagay na nakapalibot sa as atin. Sa tulong din ng kaibigan ay lalo pa nating naiintindihan ang tunay na kahulugan ng buhay ng isang tao.
Ngunit, minsan ang kaibigan ang nagtulak o nagdadala sa atin sa kapahamakan. Tulad nalang sa mga nabalitaan natin, na marami ang nasangkot sa ibat-ibang krimem dahil sa masamang kaibigan na kanilang kinabilangan at nagtulak sa kanila upang gumawa ng kapahamakan sa kapwa o krimen.
Sa kabuoan ang lahat ng ito ay ating maiiwasan kong tayo ay may matatag na pananampalataya sa Diyos na maykapal. Ito ay silbing gabay natin upang hindi tayo mapunta sa maling landas. May kasabihan na "walang taong nabubuhay tulad ng isang pulo." Kaya nasa atin ang disisyong pumili ng kaibigan.................
Bertolano, Inocencio Jr.
BLK 2-B

"Ang Tunay na Kaibigan"


Ang tunay na kaibigan
Ay hindi naglilimutan
At hindi ka nya kayang iwanan
Sa oras na siya ay iyong kailangan

Kahit malayo man sa iyo
Ang iyong tunay na kaibigan,
Pero sa kanyang puso't isipan
Kailanman ay di kanya malilimutan

Sa mahabang panahon ang nagdaan,
Ang pagkikita ay laging kinasasabikan
Para mayakap at mahagkan
Ang iyong tunay na kaibigan

Ang pagkakaibigan ay kailangan
Lakipan ng pagtitiwala at pagmamahal

Para maging tatag at magtagal
Ito ang susi para lumalim ang samahan


RICKY YEE
BLK 2-B

Precious Gems

make new friends, but keep the old
those are silver, these are gold
new made friendships, like new wine,
age will mellow and refine.
friendships that have stood up the test-
time and change- are surely best.
brow may wrinkle, hair grow gray;
friendship never knows decay.
for 'mid old friends, tried and true,
once more our new renew.
but old friends, alas! May die;
new friend must their place supply.
cherish friendship in your breast-
new is good, but old is the best;
make new friends, but keep the old;
those are silver, these are gold....

Wednesday, September 21, 2005

Aasa Pa Ba?

Alalahanin mo kapag ako ay nawala,
lumayo na't iiwan ka nang mag-isa,
ang mga sandaling ating pinagsamahan,
huwag mo sanang kalimutan, kahit kailan.

Kapag ang langit ay lumuha't nagluksa,
isipin mo sanang bukas ay may bagong pag-asa,
kapag ang mga bitui'y hindi na kumislap,
tandaan mong ang buhay na ito'y di puno ng paghihirap.

Ikaw'y babangon pa rin sa kabila ng pighati,
hindi ito ang katapusan ng mundo, kahit anong
mangyari,
ang bawat pagkakataon ay laging sa iyo ibinibigay,
at palitan ng ngiti ang mga sandali ng pagkalumbay.

hindi ito ang wakas kahit wala na ako,
ako'y gumagabay sa iyo saan mang dako,
nariyan ako sa iyong puso, di man silip ng mga mata,
sana'y alalahanin mo ito, ako'y kaibigan mong nag-aalala..


Jeffgil G. Prato
Block 2B

Monday, September 19, 2005

True Friends

for me,true friends is the only treasure that last 4ever espicially when you treated each and everyone as brother and sister.i like and i love friends who are true to thier self coz thru that they will love simply the way you are.BE TRUE MY FRIENDS!thanks 4 being the one of them!GOD BLESS!



RHEA M.BASIO
BLK 2 B

Thursday, September 15, 2005

ISANG TUNAY NA KAIBIGAN!!!!!!!

Isang taong may malasakit sa kapwa
May prinsipyo at merong isang salita
Hindi nadadala sa kahit anumang paninira
Pangakong pinanghahawakan, hindi masisira

Ang tunay na kaibigan pinaglalaban
Hindi papatatalo sa sinumang lapastangan
Lagi mong karamay sa iyong pangangailangan
Hindi kaiiwaan sa gitna ng kaawalan

Ganyan ang tunay na kaibigan
Handang umintindi sa iyong kalagayan
Hindi ka ipagpalit sa kahit sinuman
Ang isang tunay na kaibigan, tunay na maasahan.



APRIL B. GALLO
BLK-B Student

pagkakaibigan

pagkakaibigan

Wednesday, September 14, 2005

SA DAVAO LANG!!!!!!!!!!!

Sa tuwing bakasyon itoy tag-init at kay sarap maglublob sa tubig.Ang Davao marami kang pagpipilian na nga resort. Ngunit isa sa mairerekomenda ko ay ang "HIGH PONDS RESORT" na matatagpuan sa Toril,Davao City.Ito lang ata ang resort na nakita ko na may malinis at napakalamig na tubig.Bukod dito sa tuwing sisiskat ang araw matatanw mo ang ang kagandahan ng bulkang Apo,ang gandahan ng bukid na may mga hamog pa.
At kung ikay lulusob sa dagat makikita mo ang island resort at higit sa lahat ang Davao na mismo.Mayroon din silang mga ibat-ibang uri nang hayop gaya nang mga ibon na nangsasalita,kuneho,kambing,at mga makukulay na isda.
Kung titingnan mo naman ang mga bahay pahingahan nila ay mapapansin mo ang pagkanative nang lahat nang nga kagamitan nagng lahat.Nariyan dian ang kakaibang pagtanggap nang mga empleyadon nila.
Ang lahat nang yan ay sa Davao mo lang makikita.



MADELEINE BAYUGOS
BLK_D

Ang tunay na kaibigan

Para sa akin ang tunay na kaibigan ay kasama mo sa panahon nang iyong kaligayahan at higit sa lahat sa iyong pangangailangan.
Sa panahong ito dito mo masusukat kung ano ka para sa kanya,at ano sya para sa iyo.Sa ngayon bihira mo na lamang mahagilap ang isang tunay na kaibigan.Sapagkat minsan masasabi nilang"kaibigan kita"pero kalaunan sa panahong di ka na niya kailangan dito masasabing isa kang tunay na kaibigan.
Kaibigan! ito ang pumapalit sa iyong nakakatandang kapatid sa tuwing ika'y nasa labas nang iyong tahanan.
Ikaw natagpuan mo na ba ang tinatawag na tunay na kaibigan?

MAE VILLANUEVA
BLK B

Kaibigan,Kayamanan Ko!

Pera,yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kong wala kang kaibigan. Oo, mayaman ka nga sa materyal na bagay ngunit aanhin ba ito kong wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot? Kaya, mahalagang magkaroon ng isang kaibigan dahil mapupuno ka sa yaman ng pagmamahal.At sana kung dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila sa atin. Dapat din na magpasalamat tayo sa Diyos dahil pinagkalooban niya tayo ng mahalagang kayamanan ang KAIBIGAN na masasandalan natin.

Mary Son Ambuat
Blk.2B

Friday, September 09, 2005

KAIBIGAN KUNG TUNAY

ISANG KAIBIGAN TUNAY KUNG KAIBIGAN.
SIYAY LAGING NANDYAN SA ORAS NG PANGANGAILANGAN.
SA GITNA MAN NG KALUNGKUTAN AT KASIYAHAN.
SIYAY LAGING NANDYAN ANG KAIBIGAN KUNG SANDIGAN.


WALA NA KUNG MAHIHILING PA,SAPGKAT LAHAT NASASAYO NA.
TANGING HILING KO LNG NA SANAY PAGKAKAKAIBIGIN
NATIN AY MAGTAGAL PA, AT UMABOT PA HANGANG WAKAS.
IKAW ANG KAIBIGANG WALA NG HAHANAPIN PA.


MARAMING SALAMAT SAYO O AKING KAIBIGAN.
SA MGA PAGDAMAY AT SA LAHAT NG KASIYAYAN
AKING NATANTO SA AKING PUSOT ISIPAN
NA IKAW NGA AY ISANG TUNAY NA KAIBIGAN.

MARIE JOY E. TANGAL
BLK.2-B

Thursday, September 08, 2005

Hesus, Ika'y Tunay Na Kaibigan

Kawikaan 18:24 "May pagkakaibigang madaling lumamig
ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid."



Ibig sabihin nito na sa pagkakaibigan madali lang lumamig ang relasyon dahil sa mga problemang dumarating hindi na naibabalik ang dating mainit na pagkakaibigan dahil nananaig ang galit at garbo sa isa't isa. Ngunit may nag-iisang kaibigan na nagmamahal sa atin. Siya ay si Hesus, ang tunay at maaasahang kaibigan.Ang pagmamahal ni Hesus sa atin ay higit pa sa ating kapatid. Siya'y palaging handang tumulong at palaging andiyan upang tayo'y yakapin sa kanyang pagmamahal.
Kenn Butch C. Restificar Group 4

Thursday, September 01, 2005

Kaibigan kong Tunay

Kaibigan kong tunay
Sa oras ng kagipitan
Ika'y aking maaasahan
Kahit sa gitna pa ng digmaan.

Kaibigan kong tunay
Ikaw ang aking gabay
Upang buhay ay magkaroon
Nang magandang kulay.

Kaibigan kong tunay
Lagi kong kasama
Sa hirap man o ginhawa
Iyan ang tunay kong kaibigan.

MARY GRACE B. MONERA
BLOCK 2B

Wednesday, August 31, 2005

Kaibigan na tunay at maaasahan

Kaibigan ay maaasahan kapag ako'y may problema
lagi syang nandiyan kapag kailangan ko siya
Tunay at maaasahan ang tawag ko sa kanya
kasi tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay
kahit may problema ako hindi siya umaalis sa tabi ko
sa oras man ng kasiyahan at kalungkutan dinadamayan niya ako
salamat talaga kaibigan at nakilala kita...........
Sayo ko sinasabi ang lahat ng aking problema maraming salamat
talaga at nakilala kita..............



Grenly Velasco
Blk-2B

Ang Tunay na Kaibigan

Ano nga ba ang tunay na kaibigan? meron bang mga basehan para matawag mong isa nga syang tunay na kaibigan?
Sa aking pagkakaalam ang kaibigan ang isa sa mga pinakamagandang bagay na binigay nang Diyos sa atin, isang kaibigan maasahan,at hindi nang-iiwan sa ire,laging nandyan umulan man o umaraw, sa gitna man ng kalungkutan at kasiyahan, siya ay laging nadyan.ito ay hindi namimili nang panahon o sitwasyon sa buhay, basta't nandyan lang ang pagmamahal, respeto at tiwala sa isa't-isa.... Yan ang Tunay na Kaibigan.

Glaiza Omboy

Ang Tunay na Kaibigan

Ano nga ba talaga ang pagkakaibigan? meron bang mga basehan para matawag mong siya nga ba ay tunay na kaibigan? Sa aking
pgkakaalam,ang kaibigan ang isa sa mga magagandang bagay na
binigay nang Diyos sa atin. isang kaibigang dumaramay sa mga
malulungkot at masasayang pangyayari sa ating buhay,kaibigang
laging nandyan umulan man o umaraw.ang pagkakaibigan ay hindi pumipili nang panahon o sitwasyon sa buhay basta't komportable
lang kayo sa isa't-isa at higit sa lahat may tiwala, pagmamahal, at respeto sa isa't-isa....Yan ang Tunay na Kaibigan..



Glaiza Omboy
Blk.II-B

Ang Aking Kaibigan

Kapag ako'y nangangailangan
ako'y palagi nyang tinutulungan
kapag ako'y nagdadalamhati
ang damdamin ko'y kanyang pinapangiti

ang aaking kaibigan
ay siya kong sumbongan
sa aking mga problema
siya ay handang umunawa

ang aking kaibigan
ay syang nagbibigay daan
sa makulay kong buhay
upang ako'y magtagumpay

wala na akong mahihiling pa
sa kaibigan kong nag iisa
lahat binibigay nya
upang ako'y lumigaya

ang aking kaibigan
ay ang makapangyarihan
ang Diyos na lumalang
sa sandaigdigan

Mailyn Brein T.Deloy
BLK. 2B

Tuesday, August 30, 2005

Tunay na kaibigan

TUNAY NA KAIBIGAN

Masarap ang pakiramdam kapag mayron kang tunay na kaibigan
lalo na kung maganda ang samahan. Ito'y bahagi ng ating buhay kahit sino mayaman man o mahirap mayroong kaibigan. Maswerte ang taong mayroong tunay na kaibigang handang dumamay sa sarap at sa hirap man ay nandiyan. Masarap pagmasdan ang mga taong magkakaibigan, lalo na kung sila ay masaya sa kanilang pagkakaibigan ay nadagdagan ang kulay ng kanilang buhay. Higit sa laaht ang tunay na kaibigan ay hindi na bibili kahit sino mang tao sa mundo. Dapat tayo'y magpasalamat sa buong Maykapal na tayo'y biniyayaan ng tuny na kaibigan.

BRENN ROY BATAQUE
BLK 2-B

TUNAY NA KAIBIGAN

Sunday, August 28, 2005

Ang Pagkakaibigan ay Dapat Pahalagahan

Ang pagkakaibigan ay hindi inaasahan basta itong dumarating at minsan ay nawawala.Dapat pahalagahan upang matagal ang samahan.Kailangan ang pasensya at tiwala sa isa't-isa.Minsan kailangan mong magparaya at intindihin.Minsan rin ay di mo mapagkakatiwalaan dulot nito ay away.
Sa pagkakaibigan ay magagawa ang lahat upang ito'y mapatatag.Lahat magagawa, minsan nakakagawa ka na ng mali at minsan ay tama.Di mo namamalayan ay may nasasaktan.Dapat mong gawin ay isipin mo muna upang di ka nakakasakit ng damdamin ng iba. Maria Riz Paler Blk.2-b

Saturday, August 20, 2005

Greatest Friend

I have a friend
from heaven He has sent
our friendship would never end
because in Him I always depend
He never leave me behind
everytime I am blind
everything He taught I bear in my mind
that God is always at my side
The time that i was down and hopeless
the tears running out into my face
He wiped it away from my eyes
and He made me feel blessed
Everytime I'm away from my family
all I got to do is pray
and He will just tell me,
dont worry they'll be ok.
If I ask of something
He gave me not nothing
but he gave me everything
as long as heartily asked
He died 2000 years ago
But I know He's always inside me.
Always His pressence will be blessed
because Jesus is my friend.
Girlie Cafe

Wednesday, August 17, 2005

PAGKAKAROON NG KAIBIGAN

Ang kaibigan ay isang bahagi ng ating buhay na nagiging basehan kung sino at kung ano tayo. Sabi nga nila "Tell me who your friends are, and I tell you who you are". Kung titingnan natin ang ganitong pananaw, masasabing dapat tayong maging mapili sa pagkakaroon ng kaibigan. Sa gayong paraan nabuo ko ang mga sangkap sa mabisang pagkakaibigan.
Sa pakakaroon ng kaibigan dapat:
* Pumili tayo ng taong makakasundo natin. Mas maganda kung pareho kayo ng hilig ng sa gayon, maiwasan ang patatalo.
* Siguraduhing mapagkakatiwalaan ang iyong kaibigan. Maaari mong sukatin ang katapatan ng isang tao sa mga simpleng sikreto na ibabahagi mo.
Ang pagtatag ng pagkakaibigan ay nakadepende kung gaano niyo nakilala ang isa't-isa. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili at pagiging bukas sa isa't-isa ay may malaking kinalaman sa bagay na ito. Mas maganda kung marunong tayong makinig at magbigay ng kwento o payo. Dapat matuto din tayong mag-adjust. Ang pagpuno sa kakulangan ng bawat isa ay makakatulong di sa ating selfgrowth. Higit sa lahat, Dapat maging good influence tayo sa ating kaibigan.
Analyn R. Escala
Block 2B

Tuesday, August 16, 2005

ANG TUNAY NA KAIBIGAN

Sino ba? o ano ba ang isang tunay na kaibigan? siya ba 'yong kasama natin sa inoman kung tayo'y may problema. Siya ba ang taong madalas kasama sa iyong mga ginagawang biro at kalukuhan. Siya ba ang taong kasama mo sa tuwing ikaw tatakas sa bahay para lang makapaglakwatsa. O siya ba ang tumutlong sa iyo para gumawa ng dahilan para hindi ka mapagalitan ng iyong mga magulang. Syia ba ang isang tunay na kaibigan. Hindi di ba.
Ang isang kaibigan ay di papayag na ikaw ay malihis ng landas. Gagawin niya ang lahat para matuwid ang landas na iyong tinatahak. Hindi rin ito papayag na siya ang maging dahilan upang ikaw ay mapagalitan ng iyong magulang. Samakatuwin , ang isang tunay na kaibigan ay isang huwaran. ang isang bagay na pwedeng gawin na isang tunay na kaibigan para matawag na siya ay isang huwaran ay ang ipakikilala ka sa diyos.
Ikaw, natagpuan mo na ba ang isang tunay na kaibigan sa iyong buhay?
Dennis Fallete Pineda block 2B

Monday, August 15, 2005

SALAMAT KAIBIGAN KO

Tayo'y nagturingan,
Tunay na magkaibigan,
Puno ng pagmamahalan at pagrerespetuhan,
Pagdadamayan at pag-uunawaan
sa bawat problama at kasiyahan.

Sa lahat ng oras na tayo'y magkasama,
Ang ating mundo'y nababalutan ng saya,
Na sa atin ay lalong nagpalapit,
Maging sa pagkakaibigang di maiwawaglit.


Sa mga problemang aking nararanasan,
Ako'y laging tinutulungan,
Salamat aking kaibigan,
Sa mga tulong at payo mo.

Lahat ng alaalang ating pinagsaluahn,
Ito'y laging nakaukit sa aking isipan,
Kahit na tayo'y magkalayo,
Ang mga alaala ng ating kahapo'y di maglalaho.




Kristine Mae Orias
Blk. 2B
Group 6

Para sayo...Kaibigan ko!!!

Nang ako ay isilang
Marami ang nagdiwang.
Dahil maganda daw ako tingnan.
Bata pa lang ako ikaw na ang kasa-kasama ko,
Saan man magpunta ikaw ang aking taga-alaga.
Taga bitbit ng aking dala.
Ikaw ang aking tagapagtanggol, sa tuwing ako'y tinutukso.
Hero ka kasi...kaibigan ko!!!


Hanggang sa tayo'y nagkalayo,
Mga payo mo'y narito pa rin sa aking isip
Pagmamahal na iyong iniwan narito pa rin sa aking puso.
Mga alaala mo'y di pa rin nalalaho.


Alam kong masaya ka na sa iyong kinaroroonan.
At itong tula ko ay para sa iyo,
Salamat sa lahat, lalong lalo na sa pagmamahal.
Hanggang ngayon akin paring naaalala...

Ma.Susseth Salvaña
Blk-2B

KaIbIgAn : SaLaMaT

K – Karamay sa lahat ng oras, Kasangga
A – Andyan sa bawat kalungkutan
I – Importante, Iniingatan
B – Bigay ng Mayakapal
I – Isang Kayamanan
G – Gabay at Ginagalang
A – Asikaso, Aktibo
N – Nagmamahal ng wagas

Yan ang mga kalimitang sagot kung itinatanong kung ano ang KAIBIGAN, ngunit ano nga ba ang isang kaibigan para sa akin ang kaibigan ay di lamang basta karamay lang ito'y isang instrumento sa paghubog ng isang tao. Ito'y di lamang bast salita na basta namumutawi sa ating mga labi kundi ito'y isang kayamanan na dapat pag-ingatan. Ako, Ikaw, Tayong lahat ay may mga kaibigan, na dapat ingatan....At ngayon ang maikling kuwentong ito ay tungkol sa aking mga kaibigan...
Noong ako'y bago pa lamang sa Unibersidad na ito, nag-aalangan ako dahil bago lahat ang nakakasalamuha ko, bagong paaaralan, bagong silid aralan, bagong kaklase, bagong guro at higit sa lahat bagong kaibigan....noon nahihiya pa akong makihalubilo dahil sa kami'y magkaiba,akala ko'y di sila madaling pakitunguhan, ngunit nagkamali ako ng akala ng makilala ko sila lalo na sila JEANE ROSE, CATHYRINE,VANYA, CHERRYLYN, JOSEPH,AHREN at JORGE....ipinakita nila sa akin kung gaano kahalaga ang isang kaibigan, ipinakita nila kung ano ang isang tunay na kaibigan... silay di lamang basta kaibigan, yun bang andyan lang sa saya kung di maging sa aking kasawian at maaasahan. Ganyan ang tunay na kaibigan. Kaya masaya ako at nagkaroon ako ng kaibigang tulad ninyo...

Kristine Mae L. Orias
Blk. 2B
Group 6

Kung kailan wala ka na, Kaibigan

Kapag ka ika'y aking nakikita na masaya
Habang siya'y iyong kasama
Di ko maubos maisip kung bakit pinakawalan pa kita
Nasa sayo na ang lahat ng nanaisin ng bawat isa
Ngunit naging sakim ako na di ka binigyan ng halaga.

Sa bawat paglipas ng oras
Aking napag isip-isip na
Di pala dapat pakawalaan
Ang isang tulad mo na handang dumamay sa tuwing kinakailangan.

Kung kailan wala ka na ,kaibigan
Dito sa aking tabi't naghihintay
Saka ko pa nalaman na ika'y tunay at maaasahan
Na walang ibang makakapantay sa iyong inialay.

Sana maibabalik pa ang mga oras na ating pinagsaluhan
Nang tayo'y masayang nagkukwentuhan,
nagtatawanan,at nagdadamayan
Pero nasayang lang dahil sa aking kapangahasaan.

Sana'y iyong malaman na ako ngayong nagsisisi
Sa mga bagay-bagay na ginawa
Humihiling na sanay iyong patawarin
dahil sa ako'y nahihirapan na rin.

Cambarijan,Jessa Kaycee F.
Blk2B

Mga Qoutes tungkol sa Pagkakaibigan

Ang Pagkakaibigan daw parang BAKAL
Matatag na sandalan
Kinakalawang din pag napapabayaan
Pero lagi mo sanang tatandaan
Na sa oras na kailanagan mo ng kaibigan
Andito lang ako
NAGBUBURA NG KALAWANG.
Ang pagkakaibigan ay isang libro
na kinakailangang basahin
upang malaman ang tunay nitong kagandahan.
Kaibigan, youy 1 of the best books ever written
A masterpiece worth reading
And a book worth keeping...
"Kaibigan"
Importante ba ang salitang yan?
Para sa akin.......
Mas importante "ka"
Dahil kanino ko sasabihin yan?
Kung wala......
" ka".
Jeane Rose A. Delos Santos
Block 2B / Group 3

FRIENDS, AMIGO, KAIBIGAN

Sino nga ba dito sa mundo ang walang itinuturing na kaibigan?Sinasabi nga na "No man is an island". Hindi madali ang mamuhay sa mundo ng walang kaibigang magmamahal,magpapatawa, mag aalaga at andyan para sayo.
Maraming uri ng kaibigan. May totoo at mayroon ding iba ang habol ng pakikipagkaibigan. May kaibigang araw-araw nakakasama at mayroon ding kahit malayo sa isa't-isa ay nanatili pa ring may nag uugnay sa kanila upang maipakita ang tunay na diwa ng pagkakaibigan.
Sa magkakaibigan, madalas ang tawanan, tuksuhan, pagtutulungan.Ngunit, sa kabila ng saya di maiiwasan ang awayan at tampuhan na natural lamang dahil dito nasusubok kung gaano katatag ang isang samahan.
Masasabing talagang mahirap ang wala kang kaibigan. Naalala ko noong unang taon pa ako sa kolehiyo, unang araw nang pasok sa eskwela, pakiramdam ko ako'y isang estranghero, walang kakilala. Subalit, makaraan ang ilang araw ay naging kaibigan ko sila. At magpahanggang ngayon ay nanatiling matatag at masaya ang aming pagsasamahan.
Gusto kong hingin ang pagkakataong ito na MAGPASALAMAT sa mga taong tumuturing at itinuturing kong mga tunay na kaibigan.
DAGHAN KAAYONG SALAMAT!!! sa pagmamahal, pag aalaga at pagpapahalaga na ipinakita at ipinaramdam nyo sa akin. Masaya ako at nakakilala ako ng mag taong tulad nyo. Mga kaibigang tulad ng araw na nagbibigay ng liwanag sa buhay ko.



Jeane Rose A. Delos Santos
Block 2B
Group 3

Kahulugan ng salitang KAIBIGAN

K - kaberks, katropa, kabakarda, karamay, kasangga, kapamilya, kapuso
A - Andiyan hindi lang sa oras ng kasiyahan kundi pati na rin sa oras ng kalungkutan.
I - Isang nilalang na dapat bigyan ng kahalagahan.
B - Bigay ng maykapal.
I - Iniingatan at minamahal
G - Gabay saan mang landas patungo.
A - Aakay sa iyo sa oras na ikaw ay mahina.
N - Nagsisilbing takbuhan sa anumang oras ng pangangailangan.


Jeane Rose A. Delos Santos
Block 2B
Group 3



Saturday, August 13, 2005

TUNAY NA KAIBIGAN

Para sa atin, ano ba ang isang kaibigan? siya ba yong lagi nating kasama sa inoman, sa kalukuhan at sa biruan. Siya ba 'yong minsan ay ating nakatampuhan dahil sa ating labis na tuksuhan at bangayan. Hindi ba ito'y hindi isang pagkakaibigan.
Ang isang mabuting kaibigan ay 'yong taong matuturo sa iatin sa tamang landas, hindi nya hahayaang tayo'y matukso sa kasamaan. Kung tayo ay may problema, dadamayan nya tayo hindi sa pamamagitan ng inoman kundi sasabihin niyang "kaibigan, mahal ka ng dios, pagsubok lang yan, hindi ka nya pababayaan, may mas maganda pa siyang plano sa buhay mo, magtiwala ka sa kanya, hayaan mong sya ang humawak sa manubela ng iyong buhay", diba ganoon dapat ang gagawin ng isang tunay na kaibigan.
Siya ay marunong magpalakas sa iyonng kahinaan, kung ikaw ay may gagawin, ang makapagpasaya sa atin ay makapagpasaya din sa kanya kahit sarili nyang kaligayahan itatabi nya muna para sa iyo.
Sa ngayon, natagpuan mo na ba sya? ang tunay na kaibigan.
Dennis Fallete Pineda block 2-B /group 6

TUNAY NA KAIBIGAN

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka dadalhin sa labis na kalukuhan, o hahayaang masaktan dahil sa kanyang kagagawan, bagkos ikaw hindi ililihis sa tamang daan, ika'y ipapakilala sa poong maykapal
Ang isang mabait at tunay na kaibigan, ituturo sa n'ya sa iyo ang lahat ng kabutihan. Hindi n'ya hahayaang ikaw mapariwara, limihis nang landas sa tamang daraanan.
Ang isang magkaibigan ay laging nagdadamayan, sa problema ng isa'y hindi ito nang iiwan, hindi nito dapat samahan sa inoman, ang isang kaibigan na labis na nasasaktan.
Ang magandang pagsasamahan ng mabuting magkaibigan ay laging pinapagitnaan ng dios na makapangyarihan. Kaya kaibigan, kilalanin mong mabuti ang iyong mga kasama, kung sila ba'y matawag na tunay na kaibigan.

Dennis Fallete Pineda block 2-B/ group 6

Friday, August 12, 2005

Ang Kaibigan kung Masiyahin

Kay gandang ala-ala
Na ikaw ay lagi kong kasama
Sa lungkot o tawanan
Na kay sarap balik-balikan

Sanay lagi kitang kasama
Kahit saan man ako magpunta
Walang iwanan
Magpakailan paman

Ang kaibigan kung masiyahin
Sanay lagi kitang kapiling
Kahit na tayo ay may munti ng supling
Na maging magkaibigan din

Pagkakaibigang putulin man ng panahon
Sa mga nagdaan na mga taon
Basta may nabuong panahon
Na magkasama tayo sa lahat ng pagkakataon

At kung sakali na tayo ay magkita mang muli
Ika'y aking yayakapin
At aking sasabihin
Yan ang aking kaibigang masayahin


SOJOR,EDNA M.
Blk-2B

GROUP 3

Ang Kaibigan kung Masiyahin

Kay gandang ala-ala
Na ikaw ay lagi kong kasama
Sa lungkot o tawanan
Na kay sarap balik-balikan

Sanay lagi kitang kasama
Kahit saan man ako magpunta
Walang iwanan
Magpakailan paman

Ang kaibigan kung masiyahin
Sanay lagi kitang kapiling
Kahit na tayo ay may munti ng supling
Na maging magkaibigan din

Pagkakaibigang putulin man ng panahon
Sa mga nagdaan na mga taon
Basta may nabuong panahon
Na magkasama tayo sa lahat ng pagkakataon

At kung sakali na tayo ay magkita mang muli
Ika'y aking yayakapin
At aking sasabihin
Yan ang aking kaibigang masayahin


SOJOR,EDNA M.
Blk-2B

GROUP 3

Ang Nawala Kung Kaibigan

Ako'y may kaibigan Jimbo ang kanyang pangalan.Simula sa pagkabata hanggang sa paglaki siya ang aking kasa-kasama sa tuwi-tuwina. Pagkat kami ay magkapitbahay lamang. Sabay kaming nag-aral ng elementarya. Subalit ng mag-ikalimang taon na kami, siya ay lumipat ng ibang paaralan. Noong una, hindi ko talaga siya namimiss. Akala ko kasi kagaya parin ng dati. Pero hindi pala, lahat ay nagbago simula noon. Labis akong nalungkot sa pangyayari dahil kahit magkapitbahay lang kami bihira lang kami magkita at magkausap. Musmos palang ako noon pero natuto na akong magtampo at masaktan. Tiniis ko iyon lahat at siya'y aking inintindi. Hanggang mag-sekondarya na kami. Doon sabay na kaming pumupunta sa paaralan sapagkat sa kanilang traysikel ako sumasakay. Dalaga at binata na kami noon. Nag-iba na ang pakikitungo namin sa isat-isa. Nahihiya na akong makipagusap sa kanya at sa tingin ko ganoon din siya.
Malaki ang paaralan,di kami magkaklase dahil nasa ibang seksyon siya. Mag-uusap lang kami kapag uwian na . Nangungumusta siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Kapag wala ng masabi bigla nalamang siyang tatahimik. Wala na siyang ganang kausap,seryoso na siya masyado. Nagpapatulong siya kung minsan sa kanyang takdang aralin at siyempre kaibigan ko siya, siya'y aking tinutulungan. Hanggang sa nabalitaan ko na may nobya na siya at kasabay non, di na siya pumapasok. Naloloko siguro siya sa kanyang bagong nobya at sa sugal, billiard doon at sabong dito. Hanggang sa siya'y bumagsak at di nakapaggradwyt ng sekondarya. Siya'y nalulong sa bisyo at sugal.
Isang araw nag-usap kami, tinanong ko siya kung anong nangyari sa kanya. Sabi niya"ganyan talaga ang buhay". Sa tagal ng aming pag-uusap nararamdaman ko nalang na may gusto ako sa kanya,pero pilit ko itong itinatago. Subalit dumating talaga ang araw na di ko na kayang itago at sinabi ko ito sa aking pinsan. Gusto ko sekreto lang namin iyon kaso sinabi niya sa kaibigan ko. Nalaman iyon lahat ng mga auntie at uncle ko na labis kung ikinahiya, "kantiyaw" doon at "kantiyaw" dito. Nalaman ko din isang araw na wala daw siyang gusto sa akin sabi ng pinsang buo ko, pagtinging kaibigan lang daw ang tingin niya sa akin. Iniyakan ko talaga siya at natatawa lang ang Mama ko sa akin. Kaya nagpasya nalang akong sumama sa tiyuhin ko dito sa Davao. Gusto ko kasi siyang kalimutan at siyempre nalayo na ako sa kanya pagkat ipinapatuloy ko ang aking pag-aaral dito sa Davao.
Lumipas ang pitong buwan bumalik ako sa amin. Nabalitaan ko sa mga auntie ko na miss at hinintay raw ako ng dati kung kaibigan at may plano daw itong manligaw sa akin. At don ako naniwala sa kanila ng umakyat talaga siya ng ligaw sa akin ng gabing iyon. Nagtapat siya sa kanyang nararamdaman , subalit huli na ang lahat pagkat may iba na akong mahal sa mga panahong yaon. Sabi ko sa kanya"sinayang mo ang panahon na gusto pa kita". Ang sabi niya sa akin maghintay raw siya pero wala na talaga siyang pag-asa sa akin."Mabuti pa ako'y iyo ng kalimutan wag mo akong pilitin sa gusto mong mangyari". Kaumagahan umalis na ako pabalik sa Davao at di na kami nagkita muli. Ang aming pagkakaibigan ay sadyang nawala dahil din sa kanyang ginawa. Dahil alam ko na ang dati naming magandang samahan bilang magkaibigan ay di na muling magbabalik.
May tula akong handog para sa nawala kung kaibigan. Ito'y ginawa ko noong andito na ako sa Davao at nag-aaral na ng kolehiyo.

INIWAN KUNG PUSO

Mula ng tayo'y bata pa
Ikaw ang lagi kung kasama
Sa lahat ng bagay maging sa eskwela
At sa paglalaro ng tumbalata

Subalit isang araw
Ako'y iyong iniwan
Lumipat ka sa ibang paaralan
Musmos kung puso'y aking tinuruan
Na ika'y aking kalimutan.

Ngunit sa pagdaan ng panahon
Tayo'y muling nagkasama
Subalit ika'y ibang-iba na....

Nalaman mo ang pag-ibig ko sayo
Subalit ito'y binalewala mo....
Ako'y umiyak, sayo'y nagtampo
Sa tingin ko sarili ko ay aking ginago.....

Hanggang isang araw
bayan natin ay aking nilisan
Upang ika'y aking kalimutan
At ipagpatuloy ang aking kaalaman
Sa ibang bayan at paaralan.....

Ako'y nagbalik
At ika'y naghintay
Ngunit mabuti pa sigurong
Ako'y iyo ng kalimutan
Para puso mo'y di na masaktan...
Aking Dating Kaibigan........


By: Jesellvie Grace S. Sarsonas
Group 6/ 2-B

Ang Matalik kong Kaibigan

May matalik akong kaibigan noong nasa 4th year high school ako. Palagi kaming magsama sa paaralan at lalo ng kung wala ng pasok. Lagi kaming nag dadamayan tuwing tuwing may problema ang isa't-isa at nagtutulongan. Kung minsan hindi kami nagkaintindihan pag-usapan namin para hindi na lumaki ang problema. Hangagng sa ngatapos na kami ng highschool. Nung nag tapos na kami doon na kami naghiwalay umuwi na siya sa kanilang bayan kasi taga Manila siya. Bago siya umalis pumunta siya sa bahay namin nagpapaalam siya. Nag-iiyakan kami noon. At mag pangako sa isa't-isa na walang magbabago. Kahit anung mangyari. nong nasa Manila na siya lagi kaming nagsusulatan. Matetext. Kahit malayo kami mayroon parin kaming komunikasyon.
Totoo pala ng ang tunay na kaibigan kahit magkakalayo kayo ay walang magbabago. Kahit hindi na nga kayo nagkita o nagkausap pero sa puso at isipan nyo nandon parin ang inyong mga alaala noon ng kayo ay nagkasama. at kahit may bago na kayong kakilala o kaibigan hindi parin magbabago ang inyong pinag samahan o ang pagkaibigan.

DONNA MAY JADRAQUE BLK 2B

DONNA MAY JADRAQUE BLK 2B

Ang Matalik kong Kaibigan

Wednesday, August 10, 2005

Kaibigan kung Maasahan nga bang Talaga?

Ang aking kaibigan malapit sa aking buhay
Walang araw na kami ay hindi magkasama
Oras-oras, minuto-minuto nagtatawanan
Magkasalo sa lahat ng panahon


Hindi ko inakala sa isang iglap ika'y mawala
Dahil sa isang pangyayaring hindi ko inisip
Na sa isang iglap ito'y maglahong parang bula
Ang kagandahang samahan na binuo ko pala

Ay biglang nasayang lang pala
Dahil sa kasalanang iyong ginawa
Kaya ako ay parang naging tanga
At ngayo'y nagiisa walang kasama

KAIBIGAN KO, KA-TEXT KO!

Maraming paraan upang tayo ay magkaroon ng mga kaibigan. sa laganap na teknolohiya sa ngayon, kahit sa internet o sa text ay maaari na tayong magkaroon ng mga kaibigan.Ito ang isa sa aking mga kwento...

Hindi ko siya kilala, pero sa pagtunog ng aking cellphone, para bang kakaiba akong excitement na nadarama. "Ano kaya ang message niya?" Naisip ko. Sa pagbukas ko ng inbox ng aking cellphone, ito ang aking nabasa...."kaibigan i2 ni Alexia,iknalulungkot ko pro pumanaw na xa. D na niya nakayanan ang sakit nyang leukemia."
Pagkabasa ko sa message na iyon, nawalan ako ng lakas..,para bang ako'y mabubuwal. Dama ko ang bigat na aking nadarama. Hindi ko namalayan, umaagos na pala ang aking mga luha sa aking mga pisngi. hindi ko lubos maisip na ang taong ilang buwan ko ng nakakwentuhan at nakapagpalagayan ng loob sa pamamagitan lamang ng text ay pumanaw na. Hindi ko alam na siya pala ay may malubhang karamdaman....hindi niya sinabi sa akin.
Nakakalungkot...totoo iyon, pero masaya na rin ako dahil alam kong masaya na siya kasama ng kanyang tagapaglikha. Tapos na ang kanyang pagdurusa. Di ko man siya nakita ng personalan, alam kong ginto ang kanyang puso....nararamdaman ko iyon. Kahit siya ay wala na...mananatili pa rin siya dito sa aking puso. Malaki ang aking pagpapasalamat sa Dios na minsan sa aking buhay, binigyan niya ako ng pagkakataon na makilala at maging bahagi ng aking buhay si Alexia...di ako nagsisisi dahil marami akong natutunan sa kanya...

Ang isang tunay na kaibigan, di mo man nakakausap ng harapan... naiintindihan mo pa rin ng lubusan. Tiyak iyon, dahil ang puso ay nangungusap. Hindi hadlang ang layo ninyo sa isa't isa upang mapatunayan na mahal at pinapahalagahan ninyo ang inyong pagkakaibigan.


AzERetH A. BaRtoN
Blk- 2B


Tuesday, August 09, 2005

Ang Kaibigan ko-Rica

Di ko kailanman inakala na ang matindi kong kaaway noon ay magiging matalik kong kaibigan sa ngayon. Di kami magkasundo, pareho man kaming kristiyano ibang-iba naman ang aming pag-uugali kaya malimit kaming mag-away. Siya ay bata pa noon gaya ko at may pagkapilya hilig niyang manukso at minsan nga ay nagkasagutan kami. Unang taon namin sa sekondarya noon ng sabay kaming ipasok sa principal's office dahil sa napakasensitibong tsismis na kumalat sa paaralan. Wala na noon ang pareho naming malapit na kaibigan kaya't kaming dalawa ang magkaagapay ng mga panahong iyon, hanggang sa dumating ang pagkakataon na nagkalapit na kami. Nabigla man ako sa mga pagbabago sa aming pakikitungo sa isa't isa naging mabuti naman iyon para sa amin pareho. Ngayon maligaya kami...

Russel Ann L. Rica

Ang kaibiga-Rica, R.A.L.

Kaibigan ay Maaasahan

Sandigan na kaibigan

Kaibigan, ay ating kailangan
Sa oras ng kagipitan
Lagi nating tandaan
Na sila ay ating sandigan

Kaibigan kaysaya
Sa twing ikay makakasama
Nag-uusap sa mga problema
Na atin lang binabaliwala.

Salamat kaibigan sa iyong kabutihan
Alam kong ikaw ay nandyan
Sa twing akoy may kailangan
Salamat din panginoon,akoy binayayaan
Nang isang tunay na kaibigan...

Eugene T. Manangan Blk.2-B

Monday, August 08, 2005

"kaibigan ngunit di ka mag iisa"

sadyang isang kayaman sa ating ang makahanap ng isang mabuting kaibigan. nariyan kapag kailangan mo at mahihingian ng payo. minsan nga rin ay napapalabasan mo ng sama ng loob.


"kapag umuulan bumubohus ang langit ngunit di ka mag iisa" ika nga sa kanta. pinupuntir ya lamang nito na ang kaibigan ay handang magsakprisyo alang - alang lamang sa kanyang kaibigan. at iyon iba nga rin ay ipinagtatanggol kung mayroon mang inaaapoi kaya lang limitado lamang ang tunay na mga kaibigan ang nagsasakripiyo tulad ng nasa kanta.

ako ngayon ay nakaranas na magkaroon ng kaibigan na maaasahan. masasabi ko ito kasi mapagsasabihan ko sila ng aking mga sekreto,nagbibigay ng payo at nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi.
ang kaibigan kong mga ito ay, di man sila perpekto masasabi kong isang kayaman sila na naging bahagi ng aking buhay.

genefred bentain
block 2b



Friday, August 05, 2005

Ang Samahan ng Pagkakaibigan

Ang pagkakaibigan ay isang samahan ng mga taong malapit sa isa't-isa na may pagmamahalan, pagkakaunawaan at pagkakaisa. Tayong lahat ay may sariling mga kaibigan na handang tumulong at dumamay sa atin. Pinili natin silasapagkat iisa ang ating mga pananaw at kaugalian sa kanila. Sila ang mas nakakaunawa sa atin pagdating sa problemang emosyunal.
Minsan mas nauuna nating ipagtapat at isangguni ang ating mga problema at sikreto sa kanila kaysa sa ating mga magulang at kapatid. Sila rin ang nagbibigay payo sa tuwing tayo ay may suliraning emosyunal dahil sila ang mas nakakaunawa pagdating sa buhay pag-ibig (lovelife).
Kaya dapat ituring natin ng mabuti at pahalagahan ang ating mga kaibigan upang mas lalo pang tumibay at tumatag ang pagsasamahan natin sa kanila bilang magkaibigan.

Brendalyn Pully Blk II-B

Thursday, August 04, 2005

Ano nga ba ang tunay na kaibigan?

Para sa akin di mo kailangan ibahin ang iyong itsura, di mo na kailangang baguhin ang iyong pustura. Ang tunay na kaibigan ay isang taong handang tanggapin ka sa kung ano at sino ka.Isang taong di ka ikakahiya sa kung ano ang iyong nakasanayan ng gawin. At sa kabila nitoy handa kang damayan sa oras ng pangngangailangan.handa kang samahan di lamang sa kasiyahan, kundi pati na rin sa kalungkutan, kabaliwan, kakornihan, at sa lahat na.
Ang mapapayo ko lang eh! KUNG NAKILALA MO NA ANG YONG TUNAY NA KAIBIGAN WAG MO NA SYANG HAHAYAANG MAAGAW PA NG IBA..................At baka pagdating ng araw ay pasisisihan mo ito............






Menchie O. Golo
Blk.2-B







Monday, August 01, 2005

Tunay na Kaibigan ng Lahat

Kilala niyo ba kung sino siya?
Medyo nakalimot na tayo ah!
Siya 'yung kaibigang nagbigay ng lahat
Kaibigng parating nasa ating tabi
Kaibigang handang ibigay pati
Kanyang buhay mailigtas lamang tayo sa mundong makasalanan.
Inabuso pa natin kanyang kabutihan
Pero ni minsan wala tayong narinig sa kanya
Nagpasalamat man lang ba tayo?
Kay rami na niyang ibinigay
Kahit man lang 'yung kanyang ibinigay
Ay ating bigyang halaga
Mahalin natin kanyang mga nilikha
Hindi siya basta-bastang kaibigan
Binigyang pa niya tayo ng mga taong
Magmamahal sa atin-ang ating mga magulang
Mga kaibigan, lahat ng mga taong nakapalibot sa atin
Wala siyang hininging kapalit
Magmahalan lamang tayo
Salamat kaibigan

Maricel L. Tenebro 2-B

Kaibigan: Ika'y Mahalaga

Ang buhay natin ay dumaraan lang. Lahat ng materyal na bagay ay hindi natin nadadala sa kabilang buhay. Ngunit, ang ating mga karanasan – masaya man o malungkot, ang tangi nating kayamanang madadala sa paglisan natin sa mundo. At isa na doon ay ang pagkakaroon natin ng mga kaibigan. Naisip mo naba kung gaano kahalaga ang iyong mga kaibigan sa iyong buhay?
Mahalaga ang mga kaibigan, lalo na iyong matatalik nating kaibigan. Sila ay biyaya ng Panginoon sa ating buhay upang magkaroon tayo ng kasama sa lungkot at saya.
Ayon nga sa pag- aaral na ginawa ng dalawang sikolohista na sina Eduard Diener at Martin Seligman, ang isa sa mga bagay na nakapagbibigay ng kasayahan sa tao ay ang kanilang mga kaibigan at ang mga pagkakataong kapiling nila ang mga ito.
Minsan, dumarating nalang sila ng basta-basta at papasok sa buhay natin. Minsan, aalis pero mayroon naming nagpapaiwan kahit papaano. Pero naging “ come and go friends “ man sila sa atin, dapat pa rin nating isaisip at ipagpasalamat na sila”y naging bahagi sa kabanata ng ating buhay kahit saglit lang.
Sa kabilang dako naman, ang mga kaibigang nagpapaiwang kasama natin sa saya at dusa ay ang matatawag nating matatlik na kaibigan. “Ang matalik at tunay na kaibigan ay nasusukat sa oras ng kagipitan” ika nga. Nangangahulugan ito na ang matalik na kaibigan ay ang kasama natin hindi lamang sa ligaya’t saya, kundi pati na rin sa oras na tayo’y walang-wala, at sa mga panahong parang pinagbagsakan tayo ng langit at lupa, naroon pa rin sila para makibahagi sa nadarama nating pait. Naroon sila upang tulungan tayong tumayo sa pagkadapa natin.
Madaling magkaroon ng maraming kaibigan pero mahirap makakita ng totoong kaibigan—kaibigang dadamay sa atin sa oras na kailangan natin ng masasandalan. Kaya ingatan natin ang ating mga kaibigan, lalo na iyong matatalik at totoo nating mga kasama dahil mahirap matagpuan muli ang mga katulad nila. Isipin nating “ A lost today is a lost forever”.


Jsai puracan

ang pagkakaibigan nasa puso......

kaibigan nasaan ka na?
hindi ba't may pangako ka?
ang sabi mo pa nga...
kapag kailangan kita tumawag lang ako
nasaan na ngayon ang pangako mo?
sa tingin ko'y sumabay na sa paglaho mo


sa pagdaan ng panahon ako'y nagtaka?
aking kaibigan biglang nagpakita..
aking nawari'y andyan lang pala sya..
hindi naglaho ang pagkakaibigang binuo..
ang pagkakaibigan nanatili sa puso
hindi inanod ng nagdaang bagyo...


LENIE A. ABELLO BLK. 2b

Wednesday, July 20, 2005




Ako'y Naririto
Guydon C. Quita

Huwag mong akalaing
ang pagkakaroon mo ng kaibiganay
tulad ng pagliliwanagng araw kung gabi.
Narito ako.
Sa mga sandaling humahalakhak
ang lahatbilang pakikitawa sa iyo,
maaaring naroon ako at maaari ring wala --
ngunit matitiyak mong wala man
ako ay kasalo mo ako sa iyong kagalakan.
Ngunit sa mga panahong ikaw naang pinagtatawanan
ng hibang na mundong ito,
tiyak na ako'y darating kaagadupang isaboy
sa kanilang mga mukhaang katotohanang
sila ang tunay na katawa-tawa.
"Ang Pagkakaibigan sing Tulad ng Dahon"
Karren E. Atop
Katulad ng buhay na habang sariwa
Sa katas at ganda'y saganang-sagana
Usbang pa sa tangkay
Ay nangangako na ng sang mundong gara,
Katulad ng sanggol
Gayong mula pa't may pikit na diwa
Sa mata ng ina'y tila may hiwagang
Ikinakanlong na sa balat ng lupa.
Para ka ring buhay na nakikisilong
Sa sandaigdigang puno ng linggatong;
Habang sariwa pa
At nakabandila sa puno ng kahoy
Ay maraming tao
At salaksang hayop ang nakikipayong
Subalit pag ikaw ay natuyong dahon
Sa lupa'y di ka man dapwan ng ibon.


Nanay,
Ara Escalera

Pasensya na kung matagal na tayong hindi nag-uusap. Mahirap kasing kausapin ang hindi ko na nakikita. Kaya siguro hindi na ako gaano nakakasimba. Gayunpaman, sigurado kaming masaya ka kung saan ka man ngayon. Dinalaw ka namin kanina -- ako, si Tatay, si Tina (na hindi na gaano kataba ngayon), si Nonoy (na kakagradweyt lang noong Sabado -- kailan kaya ako?), si Mai-I, at si Mommy. Pagdating namin sa puntod mo, nakita naming nadiligan na pala. Umaali-aligid ang matandang lalaking kinontrata naming maglinis ng puntod mo buong taon. Hindi mo lang alam, Nanay, pero noong papunta pa lang kami sa sementeryo, puro mura na lang ang inabot ko kay Tatay. Kesyo kailangan ko raw sabihan si Mommy na walang kuwentang ama siya. Kesyo ikinakalat daw ni Mommy sa buong Urduja ang balita. Hindi na lang ako umimik. Alam kong wala naman akong sinasabi kay Mommy. Pero alam mo ba? Ang hirap palang manatiling tahimik kapag alam mong nasa tama ka. Kaya nga minsan, nagtataka ako: ano ba'ng nakita mo kay Tatay at minahal mo siya? Ako, ano ba'ng hindi nakikita ng iba sa akin at hindi yata tunay na pagmamahal ang nakukuha ko? At bakit lagi na lang ako nagmamadali? Pati ang pagrorosaryo sa puntod mo, minadali ko. Kesyo si Mai-I ang namuno.Bakit ang bagal ng mga bagay kapag iba na ang gumagawa? Ito ba'y dahil sa alam kong wala akong hawak sa takbo nito't wala akong ibang magagawa kundi mag-abang nang mag-abang nang mag-abang? Pinagmasdan ko na lang ang paligid. Hindi masyado malakas ang hangin sa Bagumbong, ngunit nahuhulog ang mga tuyong dahon. Totoo ngang laging taglagas sa Pilipinas. Ngunit ikaw, Nanay, bakit kinailangan mong malagasan nang maaga? Bubot pa lang ako; napakahirap palang maging bubot sa isang daigdig ng mga langaw at paniki. Natapos na ang rosaryo. Habang palayo kaming naglalakad mula sa puntod mo, lumilingon ako. Lumapit sa amin ang mamang naglilinis ng puntod. Binigyan ko ng dalawang daang piso mula sa bulsa ni Tatay. Sa kalayuan, may mga batang nagpapalipad ng saranggola. Hindi katulad ng araw na ito, limang taon na ang nakalipas, hindi umuulan; hindi rin mainit ang umaga.

"Aking Kaibigan, Paalam"


Reena Ancheta


Sa mga panahon,
Ng ating pagkakaibigan
Ay naging maganda at masigla
Ang ating samahan
At talagang hindi naiiwasang
,May tampuhan....
May awayan...
Mga katuwaa't sayahan...
Subalit ang hindi inaasahan,
Ay sadya ngang dumating;
Na tayo ay magkakalayo na,
At hindi na muling magkikita pa...
O, aking kaibigan;
Sayo akoy namamaalam
Sana ay hindi magkakalimuta,
Sa mga darating nating mga kinabukasa...
Paalam na sa iyo,
Matalik at mahal kong kaibiga!Nawa sana'y walang limutan...
Hanggang sa ating kamatayan...


Kaibigan
Guydon C. Quita

Bakit ganyan ka kaibigan?
Minsa’y masaya, minsa’y malungkot;
Sa iyo ba'y mayroong bumabagabag?
Sa iyong ikinikilos, ako’y naguguluhan.
May araw na tayo’y masaya’t walang problema;
Puno ng halakhak, ligaya at tuwa.
Malungkot naman kung minsan di tayo nagkakaunawaan;
Mayroong pinagtatalunan, ayaw magbigayan.
Kaibigan kita’y mahal narito lamang ako
Sa oras na iyong kailangan ng tengang makikinig,
Pusong uunawa at balikat na iiyakan.
Higit sa lahat, naririto sa lahat ng oras

Ang Pagkakaibigan

May kasabihang " No man is Island " ito ay kadalasan na nating naririnig sa sinuman. Ang kasabihang ito ay may katotohanan nga dahil lahat tayo ay nangangailangan ng kasama sa buhay. Sa kadahilanang gusto nating may masasabihan ng problema at karamay sa buhay. Kadalasan ang kaibigan ay higit pa sa kaibigan kung maituturing, para mo na rin kapatid na siyang nakakaalam ng mga sikreto na hindi masabi sa iyong mga magulang.
Pero sa pagdating ng panahon na nagkakalaboan, issinasabi mo na " Best Friends is the best enemy"...........

Roxanne Casona
Blk.2B

Thursday, July 14, 2005

pagkakaibigan

ang pagkakaibigan ay isang relasyon na hindi basta-basta mabubuwag ng sino man.
sa pagkakaibigan, kailangan marunong kang umunawa at respeto sa isa't-isa.
nagdadamayan kung may problema at handang tumulong.
sa oras ng kagipitan o di kaya may unos man na darating sa buhay ng magkakaibigan
ay nasa tabi mo siya.
sabi nga ng iba, mahirap makakita ng tunay na kaibigan.
SLD

Wednesday, July 13, 2005

kaibigan ko, pakinngan mong mga bulong sa iyo.

FRENZ

Marami ang nagsasabi sila iyong mga taong lagi mong kasama sa ligaya. Sa iba naman ito ay nang taong kakwentuhan sa oras na wala kang magawa at meron ding nagsasabi iyong taong mapagkakatiwalaan.


Alam ko tama ang lahat ng ito ngunit ang salitang "kaibigan" ay may mas malalim na kahulugan sa akin Kaibigan, Ano nga ba ang kahulugan ng sallitang ito? Ang kaibigan ay maihahalintulad natin sa mga bituin sa kalangitan na sa oras ngt kadiliman ay nagbibigay ng liwanag sa ating buhay.


Sino nga ba ang maituturing nating tunay na kaibigan? Yun bang mga taong andiyan sa panahon ng iyong kaligayahan at kaginhawaan lamang? o 'yong mga taong palaging andiyan sa tabi mo sa lahat ng pagkakataon lalong-lalo na sa panahon na kailangan mo ng karamay.
Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa haba ng panahon. Ang mahalaga sa lahat ay andiyan kayo para sa isa't isa, nagdadamayan at nagtutulungan.


CATHPAZZ

Magkaibigan

Tayo'y magkaibigan ngayon at magpakailanman
Sapagkat mahal natin ang isa't isa maging sino man
At kahit anong problema magkasama tayong lampasan
Umulan man o Umaraw tayo'y magkaibigan

Walang sino man makapaghihiwalay sa ating pagkakaibigan
Maging ikaw at ako lamang hanggang kamatayan:
Kaya pagmamahal sayo"y walang makatutumbas
Sapagkat ikaw para sa akin ay walang katumbas

Sa piling mo kaibigan ako'y palaging ligtas,
Kaya naman ikaw lamang at wala ng iba pa;
Kahit sinong may gustong umagaw ay 'di uubra
Kaya maraming taong sa sekreto natin gustong tumuklas

Tayo'y magkaibigan ngayon at magkailanman
Samahang walang iwanan
Kahit kailan man,
Samahang walang iwanan magpakailaman

sweet_jeanna

MAGKAIBIGAN

ANG AKING KAIBIGAN

Marami na tayong pinagsamahan
Magandang alaala nakatatak sa isipan
Ito'y nagdudulot kasiyahan sa bawat nilalang
O"h aking kaibigan ikaw ang nagbigay kulay ng aking buhay


Wala na akong mahihiling pa
Kundi ang isang katulad mo
Na handang magparaya alang-alang sa ating pinagsamahan
Sa hirap at ligaya nariyan ka handang dumamay

Sapagkat ikaw ang tunay kong kaibigan
Tayo ay magtutulungan sa abot ng ating makakaya
Upang pagkakaibigan ay lalong lumawig
Tanging ang diyos ang ating sandalan

Sa tuwing tayo ay may promblema
Siya'y nariyan lang tayo ay pinagmasdan
At tayo ay kanyang ppinagtibay
Upang pagkakaibiga'y hindi maghihiwalay.

sweet_jeanna

Intimate friends

Ang pagkakaibigan ay masusukat sa oras ng pangangailangan at kagipitan at kalungkutan. Ika nga "intimate friends". Ito sila na dadamay sa'yo kahit anong dagok ang mangyari. Ito yong kaibigan na parating magsasabi ng katotohanan kahit nakakasakit na kung minsan pero okay lang kasi tinatanaw nila kung ano ang "best" para sa atin .


gina_baby

TUNAY NA MAGKAIBIGAN

Kaibigan, bakit ka nag-iisa?
At sa iyong mata lungkot ay nakikita
Ano ba ang dahilan.
Ano ba ang iyong nararamdaman


Tandaan mo ako'y di mo lamangf kalaro
Kung hindi isang tapat na kaibigan mo
Tuwing kailangan mo'y maasahan mo
Nagmamahal sayo laging naririto

Di man sa lahat ng oras
Tayo'y magkasundo
Sa laro'y nagkakapikunan
Minsan ma'y nasasaktan
Ngunit tunay na magkaibigan
Kahit minsan may tampuhan
Kahit anong mangyari
Kaibigan, mahal kita

Kung sakaling bukas tayo'y magkalayo
Ang puso ko'y malulumbay kaibigan ko
Sinong kasama ko, at kalaru-laro
Kung iiwanan mo
Anong lungkot itong buhay ko?

gina_baby